Tuesday, April 29, 2008

Tagalog Poetry

This is something I wrote for a friend, requesting me to write a poem for one of the subjects she was taking. I just saw it on my desktop on desktop-clean-up-day--since I had 150+ icons on my desktop and desperately needed some sorting. So, I'm temporarily posting it here... It's written in Tagalog, by the way, the main language spoken in the Philippines, aside from Visaya. Here goes..

Minulat ko ang aking mga mata upang makita ang dilim, upang makita ka sa aking isip.
Ang tunog ng gabi--ng gangis, ng hangin, ng mga dahong nadadala sa kanyang ihip--
ay nawawala sa aking pandinig upang marinig ang iyong mga galaw sa lalim ng pagtulog.
Sa iyong paghinga, binibilang ko ang bawat segundong lumilipas na tayo'y magkasama.
Sa iyong paghinga, ay mga tanong na siyang kasagutan kung bat ako'y nananatiling gising.
Sa iyong paghinga, ang puso ko'y tumitibok--ngayo'y masaya, nananakit, bumibilis, humihina.

Lalapit sayo upang maramdaman ang iyong init at upang ako'y maramdaman mo rin,
at pansamantala ang mga katanungan ay nawawala. Ang mga pagdududa, mga pasakit,
mga lihim na pag-asa na di matutupad, na di mo itutupad.
Pansamantala, naalala ang mga pagkakataong nagbibigay ng tunay na ngiti.
Pansamantala, alam ko na tunay ang mga binubulong natin sa isa't isa.
Pansamantala, ako'y nangangarap na ang ibig-sabihin ng 'tayo' ay walang hangganan.

Pero ngayon, ako ba'y mahal mo?
Kung di tayo mag kasama, ako ba ang nasa isip mo?
Ang pagmamahal ba ay sadyang lungkot at saya
mga nakatagong hinanakit at di mahilom na pagdududa?

Lalapit sayo upang maramdaman ang iyong init at upang ako'y maramdaman mo rin,
at pansamantala ang mga katanungan ay nawawala. Ang mga pagdududa, mga pasakit,
mga lihim na pag-asa na di matutupad, na di mo itutupad.
Pansamantala, naalala ang mga pagkakataong nagbibigay ng tunay na ngiti.
Pansamantala, alam ko na tunay ang mga binubulong natin sa isa't isa.
Pansamantala, ako'y nangangarap na ang ibig-sabihin ng 'tayo' ay walang hangganan.

Minulat ko ang aking mga mata upang makita ang dilim, upang makita ka sa aking isip.
Ang tunog ng gabi--ng gangis, ng hangin, ng mga dahong nadadala sa kanyang ihip--
ay nawawala sa aking pandinig upang marinig ang iyong mga galaw sa lalim ng pagtulog.
Sa iyong paghinga, binibilang ko ang bawat segundong lumilipas na tayo'y magkasama.
Sa iyong paghinga, ay mga tanong na siyang kasagutan kung bat ako'y nananatiling gising.
Sa iyong paghinga, ang puso ko'y tumitibok--ngayo'y masaya, nananakit, bumibilis, humihina.

Ibibigay ko sayo ang aking puso, ingatan mo.

No comments: